TFC News

Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month, ipinagdiwang ng mga Pinoy sa Thailand

Annalyn 'Apol' Mabini | TFC News Thailand

Posted at Sep 15 2023 10:47 PM | Updated as of Sep 15 2023 10:49 PM

BANGKOK, THAILAND - Ipinagdiwang ng mga Pilipino sa Bangkok ang Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month o MANA Mo ngayong buwan ng Setyembre sa pangunguna ng Embahada ng Pilipinas sa Bangkok. 

Thailand
MANA Mo

Ayon pa sa DFA, tema ngayong taon ang “Kapuluan, Kabuluhan, Kaunlaran" (Archipelago, Significance, and Development) bilang pagbibigay diin sa kahalagahan ng katangi-tanging arkipelago at marine resources ng Pilipinas para sa susutainable develpoment.  

Naglunsad din ang embahada ng special exhibit para sa MANA Mo 2023 sa Consular Section tampok ang kopya ng “Carta Hydrographica De Las Yslas Filipinas Manila” (1734). Kilala ito bilang “Murillo Velarde Map,” na itinuturing ng mga hitstorian bilang “Mother of all Philippine Maps” at tinaguriang  unang scientific map ng Pilipinas. Ayon pa sa embahada, ang nasbaing mapa ay inihanda ng isang paring Spanish Jesuit na si Pedro Murillo Velarde kasama ang dalawang Pilipinong sina Francis Suarez, na siyang gumuhit sa mapa, at  Nicolas dela Cruz Bagay, na siya namang nag-ukit nito. 

Samantala, kasabay ng pagtatampok sa Murillo Velarde Map exhibit ang pagpapalabas ng  2021 documentary film “Yaman sa Kailaliman: West Philippine Sea” sa produksyon ng Biodiversity Management Bureau sa ilalim ng Department of the Environment and Natural Resources o DENR.