TFC News

Blue economy isinusulong ng Pilipinas sa pakikipagtulungan ng Japan

Annalyn 'Apol' Mabini | TFC News Japan

Posted at Sep 15 2023 10:54 PM

TOKYO, JAPAN - Binigyang diin ni Philippine Ambassador to Japan Mylene Garcia-Albano sa ginanap na Nikkei Blue Ocean forum noong September 11 ang pagnanais ng Pilipinas na hubugin ang blue economy nito para sa sustainable growth at para matulungan ang bansa na tumaas ang per capita GDP para sa mga komunidad sa baybaying dagat. 

Japan
Nikkei Blue Ocean forum noong September 11

Ayon pa sa DFA, binanggit din ni Amb. Garcia-Albano ang huwarang relasyon ng Pilipinas sa Japan sa mga industroya tulad ng technology development, capacity-building, at maritime domain awareness. HInakayat din niya ang international partners na gampanan ang kanilang mga tungkulin lalo na sa pagbibigay ng kanilang expertise,  industry leadership, at international engagement para sa pagsusulong ng rules-based maritime order at pagbubukas ng iba pang oportunidad para sa pag-unlad ng ekonomiya. 

Kinilala rin ng Ambassador ang bahagi ng Nikkei Blue Ocean Forum na inorganisa ng Nikkei sa tulong ng Sasakawa Peace Foundation sa pagbabahagi ng in depth lessons para sa epektibong konserbasyon at pamamahala, sa pagpapakita ng best practice at science-based solutions gamit ang mga prinsipyo ng inclusivity, equity, at due regard. 

Ipinagdiriwang ng Pilipinas tuwing Setyembre ang Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month o MANA Mo.