Granadang napulot sa firing range, dinala ng bata sa paaralan

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2019 07:18 PM

Isang bata ang nagbigay ng takot sa isang Swedish preschool matapos siya magdala ng granada para ipakita sa kanyang mga kaibigan, ayon sa mga awtoridad Miyerkoles.

Dinala ng bata ang granada na nakita niya sa isang firing range, at hawak niya ito ng pumasok siya sa nasabing paaralan sa Kristianstad.

Ayon sa pulisya, delikadong granada ang napulot ng bata sa firing range na malapit sa Kristianstad.

Sinarado ng mga awtoridad ang lugar at isang bomb squad ang itinawag para neutralisahin ang granada.

Isang opisyal ng pulisya ang nagsabi sa AFP na malaki ang naging pinsala kung sumabog ang granada. — Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.