TFC News

COVID-19 restrictions sa Thailand, niluwagan na

TFC News Thailand

Posted at Sep 02 2021 11:26 AM

THAILAND -- Niluwagan na ang COVID-19 restrictions sa 29 dark-red zone provinces sa Thailand simula Miyerkules, ika-1 ng Setyembre, 2021, sa anunsiyo ng Tourism Authority of Thailand o TAT.

Simula September 1, ang mga sumusunod ang ilan sa mga business establishment at services na papayagan ng mag-resume operations:

  1. Restaurants at eateries, kabilang na ang mga nasa mall o iba pang kaparehong establisyemento at papayagang tumanggap ng dine-in hanggang alas-8:00 ng gabi. 50% ng restaurant capacity ang puwede sa air-conditioned restaurants habang 75% naman sa open-air na mga kainan.
     
  2. Hair and beauty salons.
     
  3. Health massage shops at spa shops ngunit ang serbisyong puwede lamang ibigay ay foot massage.
     
  4. Markets na puwede lamang magbukas hanggang alas 8:00 ng gabi.
     
  5. Shopping malls, shopping centres or community malls at iba pang kaparehong establisyemento na papayagan lamang mag-operate hanggang alas 8:00 ng gabi at may mga limitasyon sa ilang serbisyo. Bisitahin ang link na ito para sa detalye.
     
  6. Pinapayagan na rin ang mga pampublikong parke, sports fields o complexes at outdoor swimming pools na mag-organize ng competitions pero walang live audience at puwede silang mag-operate hanggang alas 8:00 lamang ng gabi.
     
  7. Lahat ng anumang uri ng educational institutions.

Bagamat pinayagan ng mag-operate ang ilang mga negosyo at serbisyo, pinaiiral pa rin ang night-time curfew sa 29 dark-red zone provinces sa Thailand sa pagitan ng alas 9:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga.

Ayon pa sa anunsiyo ng TAT, pinapayagan na rin ang interprovincial travel sa pagitan ng dark-red zone provinces at iba pang lugar pero paalala ng gobyerno na iwasan pa rin ang mga biyaheng hindi talaga kinakailangan.

Bagamat pinapayagan ng ang pampublikong transportasyon, kailangang panatilihin ang istriktong social distancing measures at hanggang 75% seating capacity lamang ang dapat pairalin.

Hinihikayat ng gobyerno ang mga pribadong kumpanya at government agencies na pairalin pa rin ang work-from-home para sa kanilang mga manggagawa hangga’t maaari sa susunod na dalawang linggo.

Nadagdagan din ang bilang ng mga taong puwedeng magtipon sa publiko kada zone bagamat ipinagbabawal pa rin sa mga public and private organizations na magsagawa ng activities na maaaring pagmulan ng virus transmission.

Bilang nga mga taong puwedeng magtipon sa Thailand simula September 1, 2021:

Dark-red zone: Walang pagtitipon ng mahigit sa 25 katao (mula sa dating 5 tao)

Red zone: Walang pagtitipon ng mahigit sa50 katao (mula sa dating20 tao)

Orange zone: Walang pagtitipon ng mahigit sa 100 katao (mula sa dating 50 tao)

thailand
Bilang nga mga taong puwedeng magtipon sa Thailand simula September 1, 2021 

Para sa updated list ng mga lugar na nasasakupan ng tatlong COVID-19 control color-coded zones sa Thailand, bisitahin ang link na ito.