117 undocumented OFWs mula Dubai nakauwi na

ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2018 02:00 PM | Updated as of Aug 26 2018 02:34 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Dumating sa bansa ngayong Linggo ang 117 undocumented overseas Filipino workers mula sa Dubai.

Kabilang sa grupo ang mga OFW na kumuha ng amnesty program ng United Arab Emirates. Inayudahan sila ng Department of Foreign Affairs at Philippine Consulate General sa Dubai para makauwi ng Pilipinas.

Sakay ng Philippine Airlines flight PR-659, lumapag ang mga OFW sa Ninoy Aquino International Airport pasado alas-10:30 ng umaga.

Alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, pagkakalooban ang mga OFW ng tulong na tig-$100, sabi ni Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola.

Tutulungan din ang mga OFW makauwi sa kanilang mga tirahan at bibigyan ng pansamantalang matutuluyan, dagdag ni Overseas Workers Welfare Administration chief Hans Leo Cacdac

Nangako rin si Cacdac na mabigyan ng panibagong trabaho ang grupo. -- Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.