TFC News

Pumalo na sa 1,367, mga Pilipino sa abroad na nasawi sa COVID-19

TFC News

Posted at Aug 25 2021 02:30 PM

Pumalo na sa 1,367 ang mga Pilipinong nasawi sa COVID-19 ayon sa pinakahuling tala ng Department of Foreign Affairs o DFA nitong ika-23 ng Agosto, 2021. 

Sa apat na rehiyon, pinaka-mababa naman ang bilang ng mga nasawing Overseas Filipinos o OFs sa Asia Pacific sa bilang na 72. Nangunguna sa COVID-19 fatalities ang Middle East and Africa sa bilang na 918, habang pumapangalawa ang Americas sa bilang na 247. Pumapangatlo naman ang Europa sa bilang na 130.

graph
Bilang ng mga Pilipino sa abroad na nasawi dahil sa COVID-19, ayon sa August 23, 2021 record ng DFA

Umabot naman sa 22,713 ang kabuaang bilang ng OFs na kumpirmadong dinapuan ng Coronavirus. 

Samantala, sumipa na sa 1,435,118 ang Returning Overseas Filipinos o ROFs na nakauwi sa Pilipinas ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health o DOH nito ring ika-23 ng Agosto, 2021. Ayon pa sa ahensiya na sa bilang na ito, 1,425,418 na ang na-release sa mga quarantine facility habang mahigit 21 libo ang nakumpirmang positibo sa COVID-19 kung saan 406 ang kasalukuyang nagpapagamot sa mga ospital, 20,631 naman ang gumaling na at 20 ang nasawi.   

Patuloy ang repatriation efforts ng gobyerno para sa mga kababayang naapektuhan ng pandemya sa ibang bansa. 

Sources: DFA | DOH