Kilalanin: mga Pinoy na naka-eksena ang mga bigating artista ng K-Drama | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

Overseas

Kilalanin: mga Pinoy na naka-eksena ang mga bigating artista ng K-Drama

Kilalanin: mga Pinoy na naka-eksena ang mga bigating artista ng K-Drama

Gennie Kim | TFC News South Korea

 | 

Updated Aug 25, 2021 02:38 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

SOUTH KOREA -- Maraming Pinoy ang nahuhumaling sa Korean o K-Drama. Pero may mga Filipino sa South Korea na hindi lang fan, umaarte rin sila sa K-Drama at nakaka-eksena pa nila ang mga iniidolong Korean actors.

Isa na rito ang Filipino English teacher sa South Korea na si Chris Chan na rumaraket bilang extra sa mga K-Drama. Nakasama na niya sa drama series at pelikula ang sikat na lead actor ng “Crash Landing on You” na si Hyun Bin at Song Joong-ki ng “Descendants of the Sun” at “Vincenzo.”

”...ilan po sa mga nakatrabaho ko bukod po dito sa mga cast ng “Miss Lee” ay si Song Joong-ki...si Hyun Bin, si Son Ye-jin nagkaroon po kami ng dialogue sa aming pelikula na tinatawag na “Hyeobsang” or “The Negotiation” na pinalabas last year 2018. At marami pa po, marami pa pong K-movies or Korean movies kung saan ako naging bahagi bilang extra,” pagkukuwento ni Chris.

Sa South Korea na nagtapos ng pag-aaral at nagta-trabaho ang Pinay na si Noreen Joyce Guerra. Mula 2018, animnapung K-dramas na ang nasalihan niya.

ADVERTISEMENT

“...for me Korean production, is very professional and is very strict. Professional in a way that they are very prepared when they go to a certain location. They know what equipment to bring out and they know which scene to film, like they have actually the checklist and there are stylist, MUA (make-up artist) and medics on standby,” sabi naman ni Noreen.

Bukod sa K-Drama, lumabas na rin sa mga Korean commercial ang Pinay na si Melanie Podocol Melencion.

“2013 ako dumating sa Korea, nag-start po ako sa isang commercial...pagkatapos ‘nun 2018 then, ‘yung pinaka-first Korean drama ko is ‘yung “Live,” kuwento ni Melanie.

Kahit naman abala sa trabaho bilang manufacturer worker, may oras din ang Pilipinong si Isidro Antiquera para umarte sa harap ng camera kasama ang ilang Korean stars.

“...it’s the chance for us to show what we can do. And at the same time as a Filipino, hindi lang ako kasi nagwo-work as a factory worker dito, I do this as a way of getting more experience and at the same time ine-enjoy ko siya,” ani Isidro.

Para sa mga Pilipinong sina Chris, Noreen, Melanie at Isidro na patuloy na nakikipagsapalaran sa South Korea, ang maka-eksena ang malalaking artista ng K-Drama ay hindi lamang masayang karanasan kundi, oportunidad para ibahagi ang kakayahan at talento ng mga Pilipino sa larangan ng pag-arte.

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.