TFC News

Negative COVID-19 RT-PCR test result, kailangan bago makapasok ang foreign nationals sa Cambodia

TFC News Cambodia

Posted at Aug 19 2021 11:46 AM

CAMBODIA -- Pinaalalahanan ng Philippine Embassy sa Phnom Penh, Cambodia, Miyerkules, ika-18 ng Agosto, 2021 ang lahat ng mga Pilipino sa bansa patungkol sa mga pinakabagong patakaran para sa lahat ng foreign nationals bago makapasok sa Cambodia kasama na ang bagong quarantine measures. 

Sa bagong patakaran ayon sa Embahada: 

a. Kailangang iprisenta ng traveller ng health certification na sertipikado ng licensed health authority sa pagmumulang bansa na nagpapatunay ng negatibong COVID-19 RT-PCR swab test sa loob ng 72 oras bago ang date of departure 

b. Kailangang may taglay na valid Cambodian visa ang foreign national mula sa Royal Cambodian Embassies o Konsulado ng bansang pinagmulan ng traveller 

c. Kailangan ang 2,000 USD o katumbas ng mahigit isandaang libong piso bilang deposit na gagastusin para sa 14-day quarantine period, medical examination fees para sa COVID-19 at pamasahe para sa transportasyon mula sa paliparan patungo sa mga hotel quarantine facility

May option namang hindi magbayad ng nasabing deposito ang foreign national ngunit direkta na siyang responsable sa lahat ng gastusin kung isa sa apat na Alternative State Quarantine o ASQ niya mapagpasyahang magpabook. Bisitahin ang link na ito ng Embahada para sa nasabing apat na ASQ. 

Itatakda ng Ministry of Health o MOH sa MOH-designated hotel ang dayuhang biyahero kung hindi siya magpapabook sa isa sa apat na ASQ. 

d. Kailangan ding may proof of health insurance ang foreign national na ang pinakamababang medical coverage ay nagkakahalaga ng 50,000 USD o katumbas ng 2.5 million pesos para sa kabuuang pananatili niya sa Cambodia

Kailangang makumpleto ng foreign national ang mandatong 14-day quarantine. 

Source: Philippine Embassy in Cambodia