Waiter pinatay matapos awayin ng customer dahil sa sandwich

Agence France Presse

Posted at Aug 17 2019 09:15 PM

Isang waiter ng restaurant sa Paris ang patay matapos barilin ng isang customer na nagalit, dahil matagal umano siyang naghintay para sa kaniyang sandwich.

Tinawag ng mga katrabaho ng biktima ang pulisya matapos ang pamamaril sa nasabing restaurant nitong Sabado.

Sinubukan pang i-revive ang 28-anyos na waiter pero nasawi rin ito matapos ang ilang minuto.

Tumakas naman ang suspek, na sinabing uminit ang ulo dahil hindi umano kaagad naihanda ang sandwich nito.

Tinutugis na ng pulisya ang suspek. — Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.