AUCKLAND, NEW ZEALAND -- Boluntaryo at galing sa sariling bulsa ang ibinibigay na tulong ng 27 anyos na Pinay cook na si Leonissa “Nissa” Floriano sa mga homeless Aucklander. Apat na taon na siyang residente ng Auckland at nagtatrabaho bilang isang Team Leader ng isang contact center at naghihintay siya sa approval ng kanyang permanent residency.
Volunteer si Nissa sa Feed the Homeless Auckland, isang NGO na nagbibigay tulong sa mga residenteng walang tahanan sa nasabing lugar.
“Feed the homeless is a group of kind hearted Kiwis from different backgrounds who volunteer each month to host a night in Auckland city where we provide food, blankets, and clothing to those less fortunate,” kuwento ni Nissa.
Free food event ng Feed the Homeless Auckland noong August 7, 2021
Si Nissa at ang partner na Kiwi ay mahigit isang taon ng bahagi ng nasabing charity organization kung saan si Nissa pa lang ang natatanging Pilipinong miyembro. Kasama ang Pinay sa Head Cooking Team bilang isa sa mga main cook na nagluluto ng pagkain na libreng nilang pinamimigay sa mga Aucklander tuwing gabi ng unang Sabado ng bawat buwan.
Si Leonissa “Nissa” Floriano at ang kanyang partner na Kiwi (nasa gitna) sa free food event noong August 7, 2021
“There are other groups that also provide meals and clothings for the homeless around Auckland, so our event on every 1st Saturday of each month works in with those other charities in Auckland,” dagdag ni Nissa.
Noong ika-7 ng Agosto, Linggo ng gabi, namigay sila ng libreng pagkain para sa mga homeless resident sa Auckland Central Business District o CBD. Bilang isang Pinay, kasama sa mga niluluto ni Nissa ang mga lutong Pinoy. 80-100 katao ang kanilang nabigyan ng libreng pagkain sa nasabing free food event. Mixed nationalities ang kanilang mga recipient kabilang na ang mga Indian, Kiwis at Asians na lahat ay malugod na tinatanggap ang kanilang taos-pusong pagtulong.
“The dishes we provided were meatballs in marinara/tomato sauce, and pancit. We really enjoy the opportunity to introduce a Filipino dish into the event. It was very well received and we look forward to doing more Filipino dishes in the future,” ani Nissa.
Ilan sa mga pagkaing libreng ipinamigay ng Feed the Homeless Auckland noong August 7, 2021
Bukas ang Feed the Homeless Auckland sa mga gustong magpa-abot ng tulong, maaaring makikapag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng kanilang official Facebook page. Sa September 4, 2021 ang kanilang susunod na free food event.
Mga Kiwi volunteer sa Feed the Homeless Auckland kasama ang Pinay na si Nissa
“We are planning to cook chicken noodle soup given that it's winter here in New Zealand. We are also planning to cook fried chicken to go with it. So far, we received a number of people who's interested and willing to donate food and their time so we are looking forward for the next coming event,” sabi ni Nissa.
Sa gitna ng pandemya, ang mga Pilipinong tulad ni Nissa ay patuloy na tutulong sa kapwa bilang kontribusyon sa bansang itinuturing nilang ikalawang tahanan sa labas ng Pilipinas:
“New Zealand is a beautiful country and we are very lucky to live here, therefore it's great to be able to give back to those less fortunate than us in our adopted homeland.”