PatrolPH

Higit 200 OFWs kailangan ng Kuwait Aviation Services Company

Maxxy Santiago, ABS-CBN Middle East News Bureau

Posted at Aug 11 2017 05:48 PM | Updated as of Aug 12 2017 12:27 AM

Mangangailangan ng nasa 271 manggagawang Pilipino ang Kuwait Aviation Services Company o KASCO para sa kanilang expansion. 
 
Isa si Chef Marlon sa mahigit 100 Pinoy na nagtratrabaho ngayon sa kumpanya. Prayoridad ng kumpanya ang mga Pinoy workers. 
 
“Ok naman sa KASCO. Magandang kumpanya, magandang benepisyo...maraming mga Pinoy dito. Ang masasabi ko one of the best in Kuwait,” sabi ni Chef Marlon.
 
Kukuha ang KASCO ng mga waiter, waitress, baker, sweets maker, commissary II, assistant coordinator, at quality control. 
 
Bukod sa magandang pasahod at tax free, may libreng tirahan , transportasyon, food allowance at libreng ticket pauwi ng Pilipinas matapos ang dalawang taong kontrata.
 
“KASCO will be visiting the Philippines and the Filipino agency in the Philippines. We look forward to meeting the potential candidates that can join our fascinating organization and help share new skills,” said KASCO’s Jarrah al Dhafeeri, senior supervisor, Amiri & Private Flights.
 
Ang mga aplikante ay kailangang magsumite ng kanilang curriculum vitae sa Yaazeemir International Manpower Agency sa Room 405, Building 1563, F. Agoncillo, corner Pedro Gil Street, Ermita, Manila. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa Tel. Nos. 2303090 or 2302514. 
 
“Magandang development ito na ang isang kumpanya, ang malaking kumpanya dito sa Kuwait, ay nagtiwala na kumuha ng mga manggagawa sa Pilipinas,” sabi ni Atty. Alejandro Padaen, labor attache ng Philippine Overseas Labor Office.
 
Pupunta sa Pilipinas ang KASCO recruitment team para mag-interview ng mga Pinoy workers mula Agosto 13 hanggang 18 sa Crown Regency Hotel sa Makati City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.