TFC News

Filipino Canadian swimmer Kayla Sanchez handa na para sa kanyang Olympic Debut

Rowena Papasin | TFC News Vancouver, Canada

Posted at Jul 23 2021 10:07 PM | Updated as of Jul 24 2021 11:54 AM

Watch more on iWantTFC

Handa na para sa kanyang Olympic debut ang Filipino Canadian swimmer na si Kayla Sanchez.

Ibinahagi niya, "this has been a long dream of mine, and to finally live it... I'm really happy."

Maraming pinagdaanan si Sanchez bago siya napili na maging isa sa dalawampu't anim na swimmers na kakatawan sa Canada. Kinailangan siyang operahan sa kanyang kanang balikat noong huling bahagi ng 2020 at tiniis niya ang sakit habang sumailalim sa rehab.

Pero hindi nanghina ang loob ni Sanchez at handa na siya sa kanyang pinakaunang Olympic event, ang 4x100-meter freestyle relay sa Sabado, Hulyo 24.

"I would love to win a medal alongside my teammates, but I know I would  be happy with my performances no matter how they go," sabi ni Sanchez.

Kahit ibang bansa ang nirerepresenta niya sa Tokyo Olympics, pangako ni Sanchez na maipagmamalaki din siya ng mga kapwa niyang Pinoy.

Nagpadala din siya ng mensahe para sa kanyang mga kababayan sa Pilipinas at sa Canada. "Maraming maraming salamat for your support. I take it from the bottom of my heart and I hope I represent you proud and I can't wait to do my best in Tokyo."