Pinoy, apat na anak, nasawi sa US car crash

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2018 07:35 PM | Updated as of Jul 15 2019 02:54 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa isang iglap, limang miyembro ng isang pamilyang Filipino-American ang nalagas sa aksidente sa isang highway sa Delaware, US.

Galing sa isang beach vacation at pauwi na sana sa Teaneck, New Jersey ang pamilya nitong Biyernes nang biglang tumawid sa median ng Delaware Highway 1 ang isang pick-up truck at sumalpok sa sasakyan ng mag-anak.

Nasawi sa aksidente ang 61-anyos na padre de pamilyang si Audie Trinidad at ang kaniyang mga anak na babaeng sina Kaitlyn, 20; Danna, 17; at 13-anyos na kambal na sina Allison at Melissa.

Tanging ang 53-anyos na misis ni Trinidad na si Mary Rose Ballocanag, tubong Mindoro, ang nakaligtas sa insidente.

"She said she was asleep, when she woke up, the husband was on her chest leaning, she just wondered what happened, she had fracture all over her body," kuwento ni Lydia Agas, tiyahin ni Ballocanag

Nasa 1,000 ang dumalo sa isang "makeshift memorial" service para sa pamilya Trinidad sa Votee Park.

"I'm so blessed to be with the Teaneck community and grieving with you for the Trinidad family," ani Teaneck, New Jersey Mayor Mohammed Hameeduddin.

"It hurts that I have to question God, why these young people have to die so soon," sabi ng isang kaibigan ng pamilya Trinidad.

"I'm just not gonna see her anymore, and it's so just so heartbreaking," sabi ni Frances Verdeflor, kaibigan ni Kaitlyn.

Ayon kay Agas, hindi pa nakaplano ang burol at libing ng mag-anak.

Iniimbestighan pa rin ng pulisya and sanhi ng car crash at wala pang nasasampahan ng kaso.

-- Ulat ni Don Tagala, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.