Dalawang Pinoy ang namatay habang tatlo ang sugatan matapos mabangga ang kanilang sasakyan ng isang van sa Jizan, Saudi Arabia noong Hunyo 14, Huwebes.
Ayon kay Consul General Edgar Badajos ng Philippine Consulate sa Jeddah, mamimili sana ang mga biktima para sa Eid'l Fitr celebration nang maganap ang aksidente.
Minamaneho ng isang Saudi national ang nakabanggang van.
"Under investigation iyun, kung may sala yung driver ng GMC. Kailangan magkaroon ng investigation iyun, kailangan makasuhan iyan," ani Badajos.
Isinugod sa ospital ang mga biktima. Nagpadala na rin ang konsulado ng staff para tulungan ang mga biktima.
"Yung isang namatay meron na tayong natanggap na authorizations sa kanyang pamilya sa Maguindanao para mailibing ang kaniyang mga labi dito sa Jizan within 24 hours dahil sya ay kapatid na Islam. Iyung dalawa naman nasa Sabiyah Hospital for their injuries," ani Badajos.