PatrolPH

Pilipinas posibleng magpatupad ng deployment ban sa Oman

Robert Mano, ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2021 11:22 PM

MAYNILA - Posibleng magpatupad ng deployment ban sa Oman ang Pilipinas matapos isama ng Oman ang Pilipinas sa travel ban nito.

Nangangahulugan ito na hindi na muna magpapadala ng overseas Filipino workers sa Oman, matapos isama ng Oman ang mga OFW sa kanilang travel ban.

Sa isang press conference, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na magkakaroon ng pagpupulong ngayong Huwebes ang governing board ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para isapinal ang desisyon.

"Ewan ko kung bakit, imagine yung travel ban nila includes OFW coming from the Philippines, including kahit hindi naman galing Pilipinas basta dumaan ng Pilipinas, kasama sa travel ban sa Oman and we received a communication from the Department of Foreign Affairs and the DFA also recommended to us that we will also declare a deployment ban sa Oman," aniya.

Magkakaroon aniya ng emergency meeting ang governing board ng POEA para ideklara ang deployment ban sa Oman.

"Wala namang kasalanan yung ating mga OFWs, bi-nan sila sa Oman? So, sige, kung ayaw mo sa amin, ayaw namin sa ‘yo," ani Bello.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.