PatrolPH

TINGNAN: OFW nag-crave ng balut, sisiw ang dumating

ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2022 01:38 PM | Updated as of Jun 04 2022 01:58 PM

Watch more News on iWantTFC

Courtesy: Gio Miranda

Nagulat ang overseas Filipino worker sa Kuwait na si Gio Miranda dahil naging sisiw ang isa sa mga balut na dumating noong Mayo 27.

Kuwento niya, nag-crave umano siya ng balut dahil tatlong taon na siyang nasa Middle East, kaya nagpabili siya sa kanyang kasamang nagbakasyon sa Pilipinas.

Kita sa video ni Miranda na nakalabas na ang ulo ng sisiw na bibe habang binubuksan ang egg tray na 15 piraso sana na balut ang laman.

"Nagpasuyo ako sa kanya, sabi ko yung fresh na balot. Hindi pa nilaga para hindi mag-iba yung lasa," ani Miranda, isang salesman ng automotive company sa Kuwait.

Hindi niya inasahan na mag-viral sa TikTok ang video na kaniyang in-upload na umani ng milyun-milyong views.

Isang linggo nang inaalagaan ang sisiw at masiglang-masigla ito, ayon kay Miranda.

Sa ngayon, inalagaan na lamang niya ang sisiw at ginawan pa niya ng YouTube channel dahil maraming netizens ang gustong makita ang updates sa buhay ng bibe. – Ulat ni Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.