Mga na-stranded na Pinoy sa Cayman Islands at London, nakabalik na sa Pilipinas

ABS-CBN News

Posted at May 26 2020 01:49 AM

MAYNILA - Nasa 295 Filipino mula Cayman Islands at London ang nakabalik na sa Pilipinas ngayong Lunes, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Kabilang dito ang 287 na repatriates na overseas Filipino workers mula Cayman Islands at 8 na-stranded na Filipino mula London.

Ayon sa kagawaran, naisakatuparan ang pagbabalik sa bansa ng mga Filipino sa pamamagitan ng airbridge flight sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa pagtutulungan ito ng Office of the Governor ng Cayman Islands, DFA, at DOLE.

Paglapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), agad na isinailalim sa documentation at RT-PCR test ang mga umuwing Filipino. Pansamantala silang mananatili sa mga pasilidad ng Bureau of Quarantine. 

Samantala, pauwi na rin sa bansa ang 300 Filipino crew member ng Sea Chefs at TUI Cruises mula Hamburg, Germany na na-suspinde ang biyahe dahil sa COVID-19 pandemic.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.