TFC News

Mga Pilipino sa Hong Kong, nahihilig sa sports na muay thai

Jefferson Mendoza  | TFC News Hong Kong 

Posted at May 25 2023 08:32 PM

Watch more News on iWantTFC

HONG KONG - Sumasabak sa martial arts na muay thai ang ilang Pinoy sa Hong Kong. Isa na rito si Michael John Dacuno na ipinanganak at lumaki sa Hong Kong. 2017 nang maging kampeon siya sa isang muay thai competition. Lumaban na rin siya sa isang tournament sa Mexico noong 2018. Para kay Dacuno, disiplina at sakripisyo ang mga susi sa tagumpay. 
 
“Kailangan magfofocus, bawal mag-inom, bawal kumain ng junk food. Pero fo-focus sa competition kailangan mag-check ng weight...it’s normal to make sacrifices if you want to achieve something,” sabi ni Dacuno. 
 
Nagbukas din ng mga oportunidad ang muay thai gym na ito para sa OFW na si Emily Dayao. Nag-eensayo siya rito tuwing lingggo. Sumali si Dayao sa isang muay thai tournament kasama ng ilang kababayan, local residents at mga dayuhan. 
 
“I’m so thankful na na-experience kasi this is my fourth time I think na lumaban. Still, marami pang ma-iimprove. Muay Thai is aside sa nag exercise ka, you do some self-defense,” sabi ni Dayao. 
 
Hindi na rin nagpahuli sa pag-aaral ng muay thai si Maricel Capellan. At sa bawat kumpetisyong sinasalihan niya, lagi niyang ibinibigay ang buong sigasig at siyento porsyentong lakas. 
  
“Even though I wanted to win, there are consequences that sometimes we cannot bear the situation anymore. We lose confidence, stamina of course. The most important, I did my best,” ani Capellan. 
 
Maraming itinuturo ang bawat sport gaya ng muay thai sa  isang indibidwal. Tagumpay na ngang maituturing kung gagamitin itong instrumento para maging malakas ang pangangatawan at mahubog ang personalidad at isipan. 
 
Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.