Mga labi ng namatay na Pinay sa Kuwait, iuuwi na

Maxxy Santiago, ABS-CBN News

Posted at May 23 2019 05:28 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pauwi na ngayong Huwebes ang mga labi ni Constancia Lago Dayag, ang Pinay household service worker na isinugod ng ambulansya sa Al Sabah Hospital hospital sa Kuwait noong May 14 kung saan siya idineklarang dead on arrival.

"Through the strong representation with the Ministry of Foreign affairs pinagbigyan tayo na maiuwi agad ang remains niya sa Pilipinas," ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Base sa initial report at impormasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE), may mga pasa ang katawan ni Dayag at may indikasyon umano ng sexual abuse. Pero taliwas ito sa naging initial findings ng Kuwait forensic department na natural cause ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Hinihintay pa ngayon ng embahada ng Pilipinas ang final forensic report.

Kasama si Mohd Noordin Pendosina Lomondot, charge d’ affaires ng Philippine Embassy sa Kuwait, sa paghatid ng ng mga labi ni Dayag sa Pilipinas kung saan naghihintay na ang mga kaanak ng pumanaw na overseas Filipino worker.

"I heard that the next of kin (wants) to request the NBI to do second autopsy," ani Lomondot. "Para sa loob nila panatag, para no doubt in their heart na walang foul play."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.