Mga nanalo sa Tawi-Tawi, naiproklama na matapos magkaaberya

Nickee Butlangan, ABS-CBN News

Posted at May 17 2019 12:13 AM | Updated as of May 17 2019 06:51 AM

Matapos magka-aberya dahil sa mga depektibong SD cards, naiproklama na Huwebes ng hapon ang mga nanalong kandidato sa lalawigan ng Tawi-Tawi.

Nanalong gobernador si Yshmael Sali na nakakuha ng 92,795 na boto. Tinalo niya ang dating gobernador na si Sadikul Sahali na nakakuha ng 62,887 na boto.

Naiproklama na rin ang nanalong bise gobernador na si Tati Ahaja, na nakakuha naman ng 87,042 na boto. Tinalo niya si Anuar Abubakar na nakakuha lamang ng 55,162 na boto.

 


Ayon sa Commission on Elections (Comelec), naantala ang pagproklama sa mga nanalo sa halalan dahil kinailangang i-reconfigure ang ilang mga SD card.

Nakaapekto rin ang pagbiyahe ng election returns na nagmula sa mga malalayong islang bahagi ng Tawi-Tawi.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

For updates on Halalan 2019 click here