Pari sinaksak sa leeg habang nagmimisa sa Mehiko

Agence France-Presse

Posted at May 16 2017 11:43 AM

MEXICO CITY - Itinakbo sa ospital ang isang pari na sinaksak sa leeg ng hindi pa kinikilalang lalaki sa katedral ng Mehiko nitong Lunes.

Dose-dosenang mananampalataya ang nasa simbahan sa popular na Zocalo square nang bigla umanong umatake ang salarin. 

Nagtangka pa itong tumakas pero hindi pa nakalalabas ng simbahan ay nahuli na ito. 

"We are united in prayer for Father Machorro who just was gored in the neck in the cathedral," sabi sa Twitter na kapuwa pari na si Jose Aguilar.

Tumanggi naman muna ang mga awtoridad na ilabas ang pagkakakilanlan ng salarin habang ito ay iniimbesitagahan.