TFC News

Pagkaing Pilipino isinusulong sa Chongqing sa China

Annalyn 'Apol' Mabini | TFC News China

Posted at May 06 2023 04:33 PM

CHONGQING, CHINA  - Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Filipino Food Month noong Abril, nakipag-partner ang Philippine Consulate General o PCG sa Chongqing, China sa dalawang restaurants sa Jiefangbei Central Business District noong April 26. Layon ng programa na isulong ang pagkaing Pilipino sa mega-municipality ng Chongqing. 

Ayon pa sa DFA, ang Brits Restaurant mula sa high-end Lixury Hotel ay maghahandog sa kanilang lunch ng mga pagkaing Pinoy tulad ng ensaladang manga, chicken, at pork adobo na may garlic rice at canonigo.  

China
Ilan sa mga putaheng Pilipino na iniluluto sa restaurants sa Chongqing, China

Habang ang Suliven Restaurant and Bar sa may Old Site ng China-UK Liaison Office na isang popular na landmark sa Chongqing, ay maghahain naman sa kanilang menu ng paboritong Pinoy dishes tulad ng pakbet shooters, adobo crostini, afritada croquettas, kasama na ang mga panghimagas na Brazo de Mercedes cups at leche flan.   

“I love Philippine adobo and learned that every family would add their personal touch in making their adobo.  I too would do the same but never missing to use Philippine soy sauce,” pahayag ni Chef Nicola Sangiovanni sa mga putaheng Pinoy na pinili nilang isama sa kanilang executive lunch. Inalala rin niya ang pag-iimbita sa kanya sa Filipino homes kung saan niya natikman ang adobo. 

Samantalang si Ms. Sunny Song na may-ari ng Suliven Restaurant excited namang sumubok magluto ng iba pang lutuing Pilipino. Unang beses na nakatikim ng pagkaing Pinoy si Ms. Song sa isang cocktail reception na idinaos sa PCG noong November 2022. 

May iba pang hotel sa China ang nagsimula na ring sanayin ang kanilang kitchen staff sa pagluluto ng Filipino dishes dahil na rin sa mga nakaraang social events na pinangunahan ng PCG tuald ng Dekin Hotel (formerly Crowne Plaza Hotel), Radisson Hotel, and Sheraton Hotel. 

“Filipino food continues to be a huge part of our economic and cultural diplomacy efforts.  It is our hope that the Consulate’s initiatives will lead to Chongqing foodies visiting the Philippines for culinary trips around the country,” sabi ni Philippine Consul General Flerida Ann Camille P. Mayo.