PatrolPH

Mahigit 30 OFW, nakauwi na mula Libya

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2019 01:08 AM

MAYNILA - Umabot na sa 32 ang mga overseas Filipino workers na nakauwi na mula sa Tripoli, Libya.

Ayon kay Chargè d'Affaires Elmer Cato, pinakahuling na-repatriate ang 13 Filipino na nagtatrabaho sa pagawaan ng carpet matapos maapektuhan na rin ng nagpapatuloy na tensiyon roon.

Una nang umapela ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa lahat ng OFW sa Libya na bumalik na sa Pilipinas mula nang magumpisa ang mga kaguluhan sa kabisera ng Libya noong Abril 4.

Sa tala ng DFA, nasa 3,000 Filipino ang nagtatrabaho at naninirahan sa Libya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.