Taiwan nilindol; lagay ng mga Pinoy inaalam pa

ABS-CBN News

Posted at Apr 18 2019 07:23 PM

Inaalam pa ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) kung may mga Pinoy na nasaktan sa magnitude 6.1 na lindol sa Taiwan nitong Huwebes.

Ayon kay Nestor Mayo, MECO Deputy Chief for Assistance, sa ngayon ay wala pang naiuulat na nasaktan.

Dagdag niya, naantala ang mga serbisyo ng tren at mga eroplano sa lugar.

Tiniyak din ni Mayo na patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon sa Taiwan.

Patuloy rin daw na inaalam ng gobyerno ng Taiwan kung may mga malubhang nasaktan sa insidente.

Pebrero 2018 nang may mamatay na Pinay sa lindol sa Taiwan nang madaganan umano ng cabinet sa tinitirhang gusali sa Taipei.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.