Kaso ng OFWs sa death row, di pa matatalakay ni Duterte sa Saudi

ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2017 12:58 PM

Hindi pa matatalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng hari ng Saudi Arabia na si Salman bin Abdulaziz Al Saud ang magiging palad ng 23 Pilipinong kasalukuyang nasa death row doon.

Ayon sa ulat ni Ron Gagalac, sinabi ng tagapagsalita ni Duterte na si Ernesto Abella na hindi pa nakakaabot sa lebel ng hari ang mga kaso ng mga Pilipino kung kaya’t hindi ito pwedeng magdesisyon tungkol sa clemency o pardon para sa OFWs na nasa death row.

Dagdag pa sa report ni Gagalac na ang mga uuwing distressed OFWs ay yung mga nabigyan ng amnestiya ng gubyerno ng Saudi Arabia.

25 OFWs under Saudi's amnesty program return to Manila
http://news.abs-cbn.com/news/04/11/17/25-ofws-under-saudis-amnesty-program-return-to-manila

Pinirmahan din ng dalawang bansa ang isang labor agreement na magpapalakas sa pagbibigay ng proteksiyon ng Saudi Arabia para sa mga OFW.

Banggit din ni Gagalac na wala pang malinaw na detalye kung ano talaga ang nilalaman ng naturang kasunduan.

Nakatakdang makipag-harap si Duterte sa Filipino community ngayong gabi at pagkatapos nito ay lilipad din papuntang Bahrain ang pangulo. Ulat ni Ron Gagalac, ABS-CBN News

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.