OFW hotline inilunsad

ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2019 04:16 PM

MAYNILA- Inilunsad nitong Biyernes ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kanilang hotline para sa mga overseas Filipino workers.

Maaaring tumawag sa hotline 1348 para humingi ng tulong o kung mayroon silang mga katanungan ukol sa mga programa ng OWWA.

Kung nasa Metro Manila, maaaring direktang tawagan ang hotline samantalang kung nasa probinsya naman ay dapat i-dial ang 02-1348.

Para sa mga nasa ibang bansa, 0632-1348 ang numerong kailangan tawagan.

Ayon sa OWWA, bukas ang hotline araw-araw kahit na holiday.

-ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.