TFC News

Mga Pinoy sa Brunei, nagdaos ng music concert para sa pagsusulong ng gender equality

Annalyn 'Apol' Mabini | TFC News Brunei

Posted at Mar 27 2023 03:32 PM

BANDAR SERI BEGAWAN, BRUNEI - Nagdaos ng “Music to Heal” na isang music concert at wellness workshop ang Embahada ng Pilipinas sa Bandar Seri Begawan sa Brunei bilang pagdiriwang ng National Women’s Month noong March 18, 2023. 

Ayon pa sa Embahada, binigyang diin sa event ang health and wellness benefits ng musika kasama ang Brunei Music Society o BMS, isang voluntary at non-profit organization na nagsusulong ng classical music sa bansa. 

Brunei
(top left) Ms. Flora Ngu Jia Ying nagtanghal ng rendition ng Giacomo Puccini’s Quando me’n vo mula sa La boheme | (top right) Ang BMS Violin Trio, Jaden Lim Wei Long, Javien Chong Xian Wen, at Shannen Xavier Tsen Jia Ee, habang nagtatanghal ng classical at modern musical pieces | (bottom left) Mr. Jose Luis Torres Sales nagtanghal ng Ugoy ng Duyan ni Lucio San Pedro | (bottom right) Vanessa Tan Jia Shuen sa kanyang interpretasyon ng Moonfall ni Rupert Holmes

Pahayag naman ni Philippine Ambassador to Brunei Marian Jocelyn R. Tirol-Ignacio na ang workshop ay isang uri ng pagresponde sa hindi pantay na impact ng gender sa bilang ng non-communicable diseases partikular na ang heart disease, stroke at cancer na pangunahing sanhi ng pagkasawi sa buong mundo kabilang na ang Pilipinas at Brunei at ang Filipino migrant community sa Sultanate. 

 “As women we are socialized to care for the health and welfare of others but not our own,” ani Amb. Tirol-Ignacio. 

Umaasa ang Ambassador na magbibigay inspirasyon ang workshop at mag-e-empower sa mga kababaihan na magkaroon ng informed decisions patungkol sa kanilang kalusugan at matutong gamitin ang musika bilang pamamaraan sa pagpapabuti ng kalusugan. Ang nasabing isang oras na workshop ay pinangunahan ni Dr. Malai Zeiti binti Sheikh Abdul Hamid, Head ng Wellness Research Thrust sa Universiti Teknologi Brunei o UTB. 

Brunei
(left) Si Ambassador Marian Jocelyn R. Tirol-Ignacio sa kanyang opening remarks sa “Music to Heal” noong March 18, 2023 | (right) Si Dr. Malai Zeiti binti Sheikh Abdul Hamid, Head ng Wellness Research Thrust sa Universiti Teknologi Brunei 

Regular ang paglulunsad ng Embahada ng mga proyektong nagsusulong sa Gender and Development o GAD kabilang na ang pagbibigay halaga sa gender equality para na rin sa kapakanan ng mga Pilipino sa Brunei.