Condom na gawa sa China, 'minamaliit' ng mga taga-Zimbabwe

ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2018 10:07 PM | Updated as of Mar 09 2018 11:31 AM

Pinag-iisipan na ng isang Chinese condom manufacturer na "lakihan" ang mga sukat ng kanilang produkto matapos punahin ng health minister ng Zimbabwe na tila "maliit" ang inaangkat nilang contraceptive para sa mga kalalakihan ng Africa.

“Youths now have a particular condom that they like, but we don’t manufacture them. We import condoms from China and some men complain they are too small,” ani Health Minister David Parirenyatwa.

Binanggit ito ni Parirenyatwa sa isang event sa Harare City noong nakaraang linggo kung saan tinalakay niya ang HIV/Aids prevention.

“The southern African region has the highest incidence of HIV and we are promoting the use of condoms,” banggit ni Parirenyatwa.

Dahil dito, dapat na umanong pag-isipan ng mga kompanya sa Zimbabwe na pumasok sa negosyo ng paggawa ng condom imbes na dumepende sa mga import.

Tugon naman ng Beijing Daxiang and His Friends Technology Co., isang Chinese manufacturer ng condom, mahalaga umano ang naging feedback ng Zimbabwe upang makagawa sila ng mas maayos na produkto na angkop sa lahat ng "sukat."

“As to the different demands from customers such as in Zimbabwe, Daxiang, as a Chinese manufacturer, has the ability and the obligation to make a contribution, so we have started to do some surveys on users’ data in the region to make preparations for future products with different sizes,” ani Zhao Chuan, chief executive ng kompanya, sa isang panayam ng South China Morning Post.

Ang China ang isa sa pinakamalaking condom producer sa mundo, ayon sa datos ng National Health and Family Planning Commission.

Mayroon 300 condom manufacturer sa bansa na nakagagawa ng 3 bilyong contraceptive kada taon.

--Isinalin mula sa ulat ni Laura Zhou ng South China Morning Post

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.