PatrolPH

Pinoy volunteers at choir handa na para sa misa ni Pope Francis sa UAE

Rachel Salinel, ABS-CBN Middle East News Bureau

Posted at Feb 05 2019 12:53 PM

Pinoy volunteers at choir handa na para sa misa ni Pope Francis sa UAE 1
Handa na ang mga Pilipinong volunteers para sa Papal visit ni Pope Francis sa Abu Dhabi. Rachel Salinel, ABS-CBN Middle East News Bureau

DUBAI - Handang-handa na ang libong volunteers para sa Papal visit ni Pope Francis sa United Arab Emirates sa Martes.

Karamihan sa kanila ay Filipino professionals at mga Indianong katoliko sa bansa.

“Naturally of course, the Filipino community, being the biggest (group of) Catholics here in the country, will also be the one sending the most volunteers, ushers, so that the event will become a success,” sabi ni Fr. Reinhold Sahner, parish priest ng St. Francis Catholic Church sa Jebel Ali, Dubai.

Normal nang makitang nagbo-volunteer sa mga gawain ng simbahan ang mga Pinoy. Pero lalong dumoble ang bilang nila sa pagbisita ng Santo Papa sa bansa.

Mga migranteng Pinoy at Indian ang bumubuo sa karamihan ng mga Katoliko sa UAE, kung saan Islam ang pangunahing relihiyon.

“It is a great opportunity to serve someone who is so close to God in his holiness. I am so excited. I am not scared. I am ready to see the Pope on Tuesday,” sabi naman ni Graciela Kakay Babalo.

Pinakaaabangan naman ni Laura Pascual ang misa at pakikinig kay Pope Francis.

“I am looking forward to the mass and listening to the Pope and [to] see him and be part of this community and everyone’s community gathering,” sabi niya.

Maaga namang lumarga ang choir na kakanta sa Papal mass sa Zayed Sports City na pinangungunahan ng ilang miyembro na mga Pilipino mula Dubai at Northern Emirates.

“I am so overwhelmed right now. I sa-savor ko muna ang moment na ito together with all the choir. So excited and very blessed among hundreds of OFWs (overseas Filipino workers) dito sa Middle East,” sabi ni Hannah Mikaela Baola.

“Speechless” naman si Ronny Rasco lalo na’t kakanta sila para sa Santo Papa.

“For me, this is not only a musical journey but a personal spiritual journey,” sabi niya.

Sila ay ilan lamang sa mahigit 100 miyembro ng choir na mula sa siyam na simbahan sa UAE.

Ang nabuong choir ay mula sa halos 300 na nag-audition para makasama sa makasaysayang misa ng Santo Papa.

Karamihan sa miyembro ay mga Pinoy, sinundan ng mga Arabo at mga Indiano.

Dumating si Pope Francis sa UAE noong Lunes, ang unang beses na may bumisitang Santo Papa sa bansa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.