NEW ZEALAND - Apat ang naitalang patay sa malawakang pagbaha sa Auckland, New Zealand. Apektado rin ang ilang Pilipino sa lugar.
Walang tigil ang ulan sa Auckland noong January 27 na naging sanhi ng pagbaha sa ilang lugar. Lumutang ang mga grocery item sa mga pasilyo ng ilang binahang supermarket. Pinasok ng tubig pati ang airport kaya ilang araw ring kanselado ang international flights. May mga hindi nakauwi dahil sa taas ng baha.
“It’s very scary kasi within a few minutes the Oratia stream that’s right behind our house quickly overflowed and flooded the whole area,” pagbabahagi sa TFC News ng Pilipinang si Bea Palacio.
“I looked around and I saw water gushing inside the PAK'nSAVE...oh my goodness, it’s happening...I didn’t know the car park was already flooded. I saw my car was already floating,” sabi naman ni Estella Mellars na isa ring Pilipinang naninirahan sa Auckland.
Ang Filipino-Kiwi naman na si Zain Sanchez, gumamit ng jetski para umalalay sa mga nangailangan ng tulong.
“When I was in the water most of the houses were full of people. Either one or 2 people...there was a family, so we were just getting people out of their houses as quick as possible...There were people stuck, elderly and little kids who couldn’t swim so I called up my dad and said we need to bring the jetski over. I’ve never seen anything like it, I was in shock, it was new to me,” sabi ni Zain.
Apat ang patay sa pagbaha. Isinailalim na sa State of Calamity ang Auckland kung saan higit limang libong mga gusali at mga bahay ang nasira. Tinatayang pitong daang tahanan naman ang nawalan ng kuryente.
Ito ang isa sa pinakamatagal na pag-ulan sa bansa na nagdulot ng matinding pagbaha, landslide at pagguho ng mga kalsada.
Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.