Indian, patay nang 'higupin' ng MRI machine | ABS-CBN
Overseas
Indian, patay nang 'higupin' ng MRI machine

Agence France-Presse
Published Jan 29, 2018 05:34 PM PHT
|
Updated Jan 29, 2018 07:02 PM PHT
Patay ang isang lalaki sa India matapos "mahigop" ng isang magnetic resonance imaging (MRI) machine sa isang ospital sa Mumbai noong Sabado, Enero 27.

Ayon sa Mumbai police, biglang nahatak ng magnetic force ng MRI machine ang biktimang may hawak na oxygen cylinder.

Kinilala ang biktima bilang si Rajesh Maru, 32 anyos, na noo'y bumibisita lang sa isang kaanak sa ospital.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na nalanghap ng biktima ang liquid oxygen mula sa dala-dala niyang cylinder na nasira nang tumama ang lalaki sa MRI machine.

ADVERTISEMENT
Gayunman, inaaral pa rin ang kuha ng CCTV sa ospital para maberipika kung ito nga ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Inaresto na rin ang isang doktor at isang junior staff ng ospital dahil sa umano'y pagpapabaya na nagresulta sa pagkamatay ng biktima.

Base rin sa kuwento ng tiyuhin ng biktima, tiniyak ng junior staff kay Maru na nakasara ang MRI machine kaya ligtas na maipapasok ang cylinder sa kuwarto.

Gumagamit ng napakalakas na magnetic field ang MRI machine para makuhanan ng larawan ang internal organs ng pasyente.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng anumang may bakal o metallic objects sa MRI.

Noong 2014, dalawang tauhan ng ospital sa New Delhi ang sugatan nang maipit sa pagitan ng MRI machine at metal oxygen tank sa loob ng apat na oras.

Taong 2001 naman nang masawi ang anim na taong gulang na lalaking sumasailalim sa MRI scan matapos mahaltak ng makina ang isang oxygen tank at pumalo ito sa bungo ng bata.

Magpapaabot ang gobyerno roon ng 500,000 rupees o katumbas ng mahigit P400,000 sa naiwang pamilya ni Maru.

-- Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT