OFW, niregaluhan ng amo ng bahay at lupa

ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2018 12:58 AM

Hindi naging madali ang naging karanasan ni Dina Tenerife Celo sa kanyang pagta-trabaho sa ibang bansa.

Sa unang beses na pagtatrabaho ni Dina, ilang beses siyang ginahasa ng kanyang employer.

Dahil sa kanyang naranasan, minabuti niyang umuwi na sa Pilipinas.

Ngunit dahil sa hirap ng buhay, napilitang bumalik sa ibang bansa si Dina.

Sa pagkakataong ito, sinwerte si Dina na makilala si Melissa Dianne Larry McPike, ang kanyang employer sa Abu Dhabi.

Kahit na umalis na siya sa pagtatrabaho kina Melissa, nagpatuloy ang kanyang magandang relasyon sa pamilya ni Melissa.

Sa muling pagbalik niya sa pagtatrabaho para sa pamilya ni Melissa, sinorpresa siya nito at binigyan ng perang pambili ng bahay at lupa sa Pilipinas.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.