Trump maglalabas ng higit 100 pardons, commutations sa huling araw sa White House

TJ Manotoc, ABS-CBN News

Posted at Jan 19 2021 12:18 PM | Updated as of Jan 19 2021 12:27 PM

Watch more in iWantTFC

SAN FRANCISCO - Inaasahang maglalabas ng higit 100 pardons at commutations si US President Donald Trump sa kaniyang huling araw sa opisina nitong Miyerkoles, ayon sa ilang source.

Kabilang umano sa bibigyan ng pardon ay mga allies at kaibigan ng Republican president, na natalo sa halalan noong Nobyembre laban kay Democrat Joe Biden.

Una na ring napabalita sa New York Times na pinag-isipan din ni Trump na bigyan ng pardon ang kaniyang sarili matapos siyang akusahan na nagpasimuno ng gulo sa US Capitol noong Enero 6 kung saan 5 ang namatay.

Nakapag-record na rin umano si Trump ng kaniyang farewell message kung saan idedetalye niya ang mga tagumpay bilang pangulo ng Estados Unidos.

Nagpalabas din ng farewell speech First Lady Melania Trump nitong Martes kung saan pinasalamatan niya ang mga health-care workers na patuloy na naglilingkod at lumalaban para pigilan ang COVID-19 pandemic.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.