OPINYON: Balitang Pinoy mula sa America

Buddy Gomez — Cyberbuddy

Posted at Mar 13 2020 09:01 PM

Pasalamat muna tayo! Sa dinami daming Pinoy sa America, mabuti isa pa lang ang kababayan na dinapuan ng corona virus o Covid-19. Sana manatiling ganoon ang suma. Ang pinakahuling ulat ay mahigitna sa 700 na ang kinapitan ng sakit at 26 ang yumao, sa kabuoang America. Patuloy naman tayong nagbabantay sa mga pinaka huling pang-yayari tungkol sa usaping pang kalusugan ng ating mga kabayan sa iba’t ibang sulok ng daigdig.

Bagama’t maraming tripulanteng Pilipino na sakay sa ‘cruise ship’ Grand Princess, kasalukayang naghihintay sa San Francisco Bay. Mayroon namang 21 pasaherong may karamdaman. Ang mga pasahero ay unti-unting linilipat sa iba’t ibang ospital military upang makuwarantina ng 14 na araw bago payagang maka-uwi.

 ******* 

Marahil ang mga kababayan natin lamang, yaong mahihilig sa Komiks, ang nakaka-alam na mayroon tayong kapwa sa Estados Unidos na kilalang-kilala at sikat sa larangan ng pag-drawing, disenyo at dibuho ng likhaing tulad ng Marvel at Adventure Comics. (Recognized Comics illustrator) Siya ay ang yumaong si Tony De Zuñiga. 

Ayon sa report na aking nakalap, noong buhay pa si Tony: “He was the only Filipino in the room with all those white artists. He was only there because of his immense talent,” at “accepted by Comics publishers.” Siya ay katulong sa paglabas ng Batman, Superman, Supergirl, Spiderman, Incredible Hulk. Lalonglalo na ang seryeng “Black Orchid” at “Jonah Hex.”

Si Tony ay isinilang sa Stockton, California noong 1932. Sa kasaysayan ng Pinoy sa America, Stockton ang naging pugad ng mga kauna-unahang mga Filipino ‘agricultural workers” mula noong tayo ay nakupkup ng America. Kung kaya naman nagtatag ang mga Fil-Am sa Stockton ng isang ‘Museo” bilang alay sa ala-ala ng mga Pilipinong tagapanguna sa Stockton at iba pang karatig pook sa California. Doon ngayon may kasalukuyang ‘art festival’ bilang parangal kay Tony de Zuñiga.
 
At ang biyuda ni Tony, si Tina de Zuñiga, ay nagbukas ng restaurant na kilala sa pangalang “Red Orchids.” Naroroon din ang permanenteng display ng mga pinaka-popular na likha ni Tony. 

 ******* 

Mahigit ng isang taon na naghihintay ang ating mga kababayan sa San Antonio, Texas mula noong mabalita na darating na daw si “Jollibee!” Sa Facebook ng mga kababayan sa Texas, malimit itong banggitin. Wala naman makapag-bigay ng wastong balita. Kung minsan naka-display pa ang karatula sa “strip mall” na paglalagyan ng Jollibee. Akala naming magbubukas noon Pasko. Naghihintay pa rin kami hanggang ngayon!

Alam naman nang higit na nakaraami na ang Jollibee ay isa nang "international chain.” Tunay na napakalaking tagumpay ng isang Tsinoy! Talagang pang-mundo na ang negosyanteng si Tony Tan Caktiong. Ang marahil na hindi pa masyadong alam dito sa Pilipinas ay ang balitang nabili na rin ni Mr. Tan ang isa pang “hamburger chain”— hindi naman kalakihan — ang “Smash Burger” ng America. At pati na rin ang isang pang ‘chain’ sa America, na narito na rin sa ka-Maynilaan. Ito ay ang “Coffee Bean and Tea Leaf.”

 ******* 

Sa ‘Nueva York’ naman...New York City. Ang sangay ng pang-malawakang Filipino American National Historical Society (FANHS) sa pamumunu nila Dr. Kevin Nadal at ni Reynaldo “Ronnie” Alejandro ay ang unang naglunsad ng patuloy na pagtaguyod ng pamanang Filipino-American. Mga kilusang tulad na “Walking Tour of Little Manila” na isang distrito sa New York City. Ang tinatawag na “Queens.” 

Ang samahang “Filipinos in New York City” ang siya ring nag pasimuno ng “Journey for Justice: The Life of Larry Itliong.” 
Para po sa inyong dagdag na kaalaman, si Larry Itliong ay isang lider ng mga manggagawang magsasaka sa California. Siya ang nag umpisang mag-aklas laban sa pang-aapi ng mga capitalista ng mga hacienda ng ubas sa Delano, California noong Septyembre 1965. 

Maraming sumangsangayon at kumikilala sa papel na ginampanan ni Larry Itliong (at ng isa pang Pinoy—si Phillip Vera Cruz) sa kasaysayan ng “ United Farm Workers” ng Estados Unidos. Silang dalawang Pinoy ang nag-umpisa ng “Grape Strike.” Nahikayat nila na lumahok at sumoporta sila Cesar Chavez at Dolores Huerta sa kilusang inumpisan nila. Kung hindi nag-aklas si Larry Itliong noong 1965, malamang wala rin segurong pagkakataong sumikat ang Mexican-American na si Cesar Chavez.

 ******* 

Samantala, ang samahang FANHS (Filipino American National HIstorical Society) ay muling magkakaroon ng pagtitipontipon. “Biennial Conference” Minsan tuwing ika-dalawang taon. Ang nag-anyaya ay ang Hawaii Chapter kung kaya ito ay gaganapin sa Honolulu sa Hulyo 15 hanggang 18 ng kasalukuyang taon. Waikiki Beach Marriott Resort and Spa. Ang kanilang tema ay pinamagatang “Sharing Our Filipino American Stories.”
Yong nagnanais na dumalo o gusto pang malaman ang iba pang detalye ng konperensya, mangyari po lamang na alamin sa ‘[email protected]

*********

Sa darating na Nobyembre, halalan sa America, malaki ang pagkakataong magkaroon na rin ng miyembro sa kamara de representantes (U.S. House of Representatives) sa Washington, D.C. ng isang Filipino-American. “Finally,” wika nga! Ito ay si Gina Ortiz Jones na taga San Antonio, Texas. 

Marahil ang iba sa mga tagasubaybay sa ating ‘blog’ ay matatandaan na noong nakalipas na halalan, si Gina ay tumakbo na rin. Siya nga lang ay natalo ng kulang-kulang sa isang libong boto. Minalas! Ang tumalo sa kanya ay isang Republican na re-eleksiyonista, Will Hurd. Si Will Hurd naman ay umatras na sa darating na halalan sa pag-aakalang hindi niya matatalo si Gina, sa ulitan!

Sa ‘primaries’ naman ng Partido Democrat, si Gina ay nag-waging muli. Natamo niya ang mahigit sa 66% ng mga bumoto, at ang apat na sumalungat ay nag pira-piraso sa balansyang 34%.
Ang distrito 23 ng Texas na siyang tinatakbuhan ni Gina ay isang likhang tinatawag na ‘gerrymandering.” Ito ay kagagawan ng mga nangingibabaw na mga Republican. Manipis ang geography ng distritong ito nguni’t ang haba naman ay tulad ng distanya Baguio hanggang Legaspi!
                
--------

ABOUT THE AUTHOR: 

Tomas 'Buddy' Gomez III began his professional media career in ABS-CBN's (previously Chronicle Broadcasting Network) DZQL-Radio Reloj in 1957, after which he spent 25 years with the Ayala Group.

In 1986, then Pres. Cory Aquino appointed him Consul General to Hawaii and later served as her Press Secretary.

During the Ramos administration, he was chairman and president of state-owned IBC-13 Network.

After government service, he became an ‘OFW’ in the U.S., working as front-desk clerk and then assistant general manager of a hotel. He also worked as a furniture and antique restoration specialist.

He is now retired and lives in San Antonio, Texas.

Disclaimer: The views in this blog are those of the blogger and do not necessarily reflect the views of ABS-CBN Corp.