MULTIMEDIA

Barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal, pinapaalis ng China

ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2021 07:15 PM

Pinaaalis na ng China sa Ayungin Shoal ang lumang barko ng Pilipinas na nakahimpil doon at ginawa nang outpost ng mga sundalong nagbabantay sa teritoryo ng bansa. Katwiran ng China, sa kanila raw ang Ayungin Shoal. Sagot naman ng Pilipinas, walang pruweba ang China at matagal nang bahagi ng EEZ o exclusive economic zone ng Pilipinas ang Ayungin Shoal base na rin sa UNCLOS, na pinagtibay rin noon ng China. 

Watch more on iWantTFC