Home > News MULTIMEDIA Patrol ng Pilipino: Tirahan at kabundukan napuruhan ng lindol sa Sarangani ABS-CBN News Posted at Nov 20 2023 11:39 PM Share Facebook Twitter Pinterest Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA – Lantad mula sa mga residential area hanggang sa kabundukan ng Sarangani ang tindi ng pinsala ng magnitude 6.8 na lindol na tumama noong Biyernes. Sa ilang segundo, nagiba ang ilang bahay sa bayan ng Malapatan. Umabot na sa 9 noong Lunes ang naitalang namatay sa pagyanig, kabilang ang mag-inang natabunan ang kubo sa Barangay Mudan sa bayan ng Glan. 'News Patrol': Mga nasawi sa lindol sa Mindanao umakyat na sa 9 — NDRRMC Nahirapan ding mapasok agad ang Glan na isa sa pinakanapuruhang lugar. Pinalilikas pa rin ng provincial disaster officials ang mga nakatira sa paligid ng kabundukan sa Bgy. Mudan dahil sa panganib ng patuloy pang pagguho mula sa aftershocks. – Ulat ni Dennis Datu, Patrol ng Pilipino Pinsala ng magnitude 6.8 na lindol, ikinabahala ng mga taga-Sarangani Bangkay ng mag-inang natabunan ng landslides sa Sarangani narekober Quake-hit Sarangani needs relief goods, says official Phivolcs says verifying liquefaction in Glan town following 6.8-magnitude quake Read More: Patrol ng Pilipino Dennis Datu earthquake lindol Mindanao regions regional news Sarangani Glan Malapatan