MULTIMEDIA

Magkaibigan sa Cagayan, nasawi matapos iligtas ang mga kapitbahay mula sa baha

ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2020 10:52 PM

Dahil sa pagmamalasakit sa iba, nasawi ang magkaibigang sina Neri Abalos at Randy Valdez matapos nilang saklolohan ang mga kapitbahay nilang na-trap sa baha sa Alcala, Cagayan. Nakuryente umano ang mga biktima habang nagbabangka sa tubig baha. Inabot din ng 2 araw bago nakita ang kanilang mga katawan matapos silang anurin ng rumaragasang tubig.

Watch more News on iWantTFC