MULTIMEDIA

COVID-19 vaccination, target simulan sa May 2021

ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2020 07:46 PM

Plano ng gobyerno na simulan ang pagbibigay ng bakuna kontra sa COVID-19 sa Mayo, 2021. Ito ay kung may mabibili na tayong bakuna laban sa sakit ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementor Carlito Galvez Jr. Umaasa rin si Galvez na bibigyan ng patas na oportunidad ng World Health Organization ang mga bansa para makabili ng bakuna lalo't inaasahang malaki ang demand ng mga mayayamang bansa kapag mayroon nang gamot.

Watch more on iWantTFC