MULTIMEDIA

Patrol ng Pilipino: Gaano mo kabisado ang ‘Lupang Hinirang’?

ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2023 07:08 PM

Watch more News on iWantTFC


MAYNILA – Bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino ang pambansang awit na pero hamon pa rin sa ilan ang pagkanta nito gamit ang tamang liriko.

Ayon sa Republic Act 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines, dapat nakabase sa musikang lapat at katha ni Julian Felipe ang pag-awit sa Lupang Hinirang. 

Nararapat rin itong awitin nang buong-puso at may passion o fervor.

Simbolo ang awit ng luwalhati at pakikibaka ng mga lumaban para sa kalayaan ng bansa mula sa mga dayuhan.

Ayon sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP), ika-12 ng Hunyo 1898 unang ipinarinig sa publiko ang pambansang awit ng Pilipinas sa Kawit, Cavite.

Kalaunan nang dinagdag ang mga titik nito mula sa tula ni Jose Palma na “Filipinas”.

Higit 4 na dekada makalipas ito, idineklara bilang opisyal na national symbols ang pambansang awit at bandila Setyembre 22, 1943.

– Ulat ni Michael Delizo, Patrol ng Pilipino