MULTIMEDIA
Patrol ng Pilipino: Paano makakakuha ng libreng pre-employment requirements?
ABS-CBN News
Posted at Sep 20 2023 02:23 AM
MAYNILA — Libreng kumuha ng job application documents mula sa mga ahensya ng gobyerno para sa mga first-time job seekers, ayon sa Republic Act 11261 o ang First-Time Jobseekers Act.
Ilan sa pre-employment documents na maaaring makuha nang libre ay ang police clearance, NBI clearance, barangay clearance, medical clearance mula sa pampublikong ospital, at birth certificate.
Kailangang magparehistro ang first-time job applicants sa kanilang barangay at kunin ang clearance para maproseso ang pre-employment requirements.
Dahil mandato ng batas, nasa ₱83 milyon ang posibleng mawala sa kabuuang kita ng mga ahensya ng gobyerno, ayon sa Department of Labor and Employment.
Pero sabi ng kagawaran, mas malaki ang maibabalik na benepisyo nito para palakasin ang labor work force ng bansa.
— Ulat ni Johnson Manabat, Patrol ng Pilipino
- /life/09/25/23/look-full-body-portraits-of-the-miss-ph-candidates
- /sports/09/25/23/asiad-phs-frayna-outlasts-kzs-abdumalik-in-chess-r1
- /life/09/25/23/catriona-gray-pays-birthday-tribute-to-sandra-lemonon
- /sports/09/25/23/9-year-old-pinay-skateboarder-places-7th-in-park-finals
- /news/09/25/23/lawmaker-ovp-spent-2022-confidential-funds-in-11-days-coa-seeks-more-explanation