MULTIMEDIA

Amerikanong sundalo na pumatay sa Pinay transgender, makakalaya dahil sa 'good conduct'

ABS-CBN News

Posted at Sep 03 2020 08:00 PM

Watch more on iWantTFC

Naghain na ng motion for reconsideration ang pamilya ng Pinay transgender na si Jennifer Laude kontra sa pagpapalaya sa Amerikanong sundalo na si Joseph Scott Pemberton. Ipinag-utos ng korte sa Olongapo City na palayain na si Pemberton dahil sa good conduct time allowance o GCTA. Ito ay kahit hindi pa tapos ang 10 taong sentensiya ni Pemberton para sa kasong homicide.