MULTIMEDIA
Pangarap ni Chito: Kuwento ng jeepney driver na naninirahan sa nakaparadang jeep
ABS-CBN News
Posted at Aug 06 2020 04:04 PM
Pangarap ni Chito Bustamante na magkaroon ng sariling bahay para sa kaniyang pamilya.
Ang kinikita sana ni Chito mula sa pamamasada ng jeep na biyaheng Fairview-Quiapo ang iipunin niya para matupad ito.
Pero dahil sa tigil-pasada bunsod ng COVID-19 lockdown ay nawalan siya ng kabuhayan. Ngayon, sa nakaparadang jeep na siya nakatira.
Panoorin ang kuwento ni Chito sa video na ito.