MULTIMEDIA

Mga singko at diyes na barya, ipinangbayad sa trabahador

ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2021 07:41 PM

Inireklamo sa social media ang isang factory sa Valenzuela City matapos nitong bayaran ng barya ang trabahador nila. Umabot sa mahigit P1,000 na halaga ng 5-centavo at 10-centavo coins ang ibinayad ng factory. Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, posibleng sindaya ng factory ang insidente dahil nagrereklamo umano tungkol sa unfair labor practices ang trabahador. 

Watch more on iWantTFC