MULTIMEDIA

Lalaking pinaghinalaan na may COVID-19, ikinulong sa bahay

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2020 08:03 PM

Arestado ang ilang opisyal ng barangay sa Sampaloc, Maynila matapos nilang ikulong sa sarili niyang bahay ang isang lalaki na pinaghinalaan nilang nahawaan ng sakit na COVID-19. Ayon pa sa biktima, nakapagpa-swab test pa siya bago ikinulong sa bahay at lumabas na negatibo siya sa virus. Ayon sa mga awtoridad, may protocol na dapat sundin ang mga barangay para sa mga COVID-19 patients at suspected cases. Bukod pa rito, may COVID-19 anti-discrimination ordinance din ang lungsod ng Maynila. 
 

Watch more on iWantTFC