MULTIMEDIA
Patrol ng Pilipino: May pumupunta pa ba sa Taal Volcano island?
ABS-CBN News
Posted at Jun 08 2023 01:47 PM
MANILA — Kahit isang "permanent danger zone" ang Taal Volcano island sa Batangas, may ilang residente na hindi iniinda ang panganib para maghanapbuhay sa lugar.
Pero mahigpit itong binabantayan ng mga awtoridad, gaya ng mga tauhan ng Coast Guard, sa kanilang pag-iinspeksyon sa lawa at sa isla.
Kasalukuyang nasa Alert Level 1 ang Bulkang Taal sa gitna ng patuloy na pagbuga nito ng usok, na umaapekto na rin sa kalusugan ng mga nakatira sa paligid nito.
—Ulat ni Dennis Datu, Patrol ng Pilipino