MULTIMEDIA

Pangmamaltrato sa hinuling vendor sa Quezon City, pinaiimbestigahan na

ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2020 08:34 PM

Viral sa social media ang isang fish vendor na hinuhuli ng mga tauhan ng Quezon City Task Force Disiplina. 

Sa video, makikita na pinaghahampas ng yantok ang vendor bago isinakay sa mobile. 

Ayon sa hepe ng task force, nagmamatigas ang vendor at ayaw sumunod sa mga awtoridad. 

Depensa naman ng vendor, wala siyang kasalanan. 

BABALA: Ang video na ito ay nagpapakita ng marahas na pangyayari.

Watch more in iWant or TFC.tv