MULTIMEDIA

Lalaking hinuli dahil sa curfew, namatay umano dahil sa parusang exercise

ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2021 07:12 PM

Pinaiimbestigahan na ang pagkamatay ng isang lalaki na hinuli matapos lumabag sa curfew sa General Trias, Cavite. Ayon sa kaanak ng biktima, bibili lang sana ng inuming tubig ang biktima noong gabi ng April 1 nang hulihin siya ng mga barangay tanod. Pinarusahan umano ng mga pulis at pinag-pumping exercise ng 300 beses ang biktima. Umaga na ng April 2 nakauwi ang biktima, na nanghihina at masama na ang pakiramdam. 

Watch more in iWantTFC