MULTIMEDIA

Biyahero sa NAIA, hinanapan umano ng "yearbook" sa immigration

ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2023 07:29 PM | Updated as of Mar 17 2023 08:53 PM

Viral ang TikTok video ng isang biyahero sa NAIA na hindi umabot sa kaniyang flight dahil umano'y sa 'di angkop na mga tanong ng taga-immigration. Kuwento pa ng video uploader, pati ang kaniyang yearbook, hinanap din ng immigration officer. Dahil sa nangyari, may ilang pasahero tuloy ang dinadala na rin ang kanilang diploma sa airport para hindi umano maabala sa kanilang flight. 

Watch more News on iWantTFC