MULTIMEDIA

Ina at girlfriend ng lalaking may UK variant ng COVID-19, nagpositibo na rin sa sakit

ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2021 11:08 PM

Nadagdagan pa ang mga positibo sa COVID-19 na contact ng lalaking galing sa Dubai na nahawaan ng bagong variant ng sakit. Bukod sa 10 pasahero na kasama niya sa flight, positive din sa COVID-19 ang healthworker na nakasalamuha ng lalaki. Nagpositibo rin sa swab test ang nanay at girlfriend ng lalaki. Ipinadala na sa laboratoryo ang samples nila para matukoy kung UK variant ng COVID-19 ang tumama sa kanila. 

Watch more in iWantTFC