MULTIMEDIA

Department of National Defense, kumalas na sa kasunduan sa University of the Philippines

ABS-CBN News

Posted at Jan 19 2021 08:02 PM | Updated as of Jan 20 2021 01:35 AM

Nananawagan ang University of the Philippines na ikonsidera ng Department of National Defense ang desisyon nila na kumalas sa 1989 UP-DND accord. 

Sa ilalim ng kasunduan, hindi maaaring magsagawa ng operasyon ang mga awtoridad sa loob ng campus ng University of the Philippines kung walang pahintulot mula sa pamantasan. 

Ayon sa liham ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, ginagamit umano ng CPP/NPA ang accord para makapag-recruit ng mga bagong miyembro at para makaiwas sa operasyon ng mga awtoridad. 

Watch more in iWantTFC